wElcOme to my PaGe... Have a Great day!



Enjoy Reading
Powered By Blogger

Followers

Monday, June 14, 2010

Cheater always be a cheater

PARA SA MGA LALAKING WALANG KWENTA.




KAILANGAN NINYONG MALAMAN ITO.



Sabi nila ang masaktan daw ay parte na ng pag-ibig, at kailangan dw sa pag-mamahal dapat maging handa tayo sa posibleng kahahanatungan na lahat kasi di natin hawak ang nangyayari. Bakit nga ba tayo nasasaktan sa pag-ibig, na wala naman tayong ginagawa, kundi ngmamahal lng naman ng tapat, bakit kailangan pang umiyak para maging maligaya? Bakit kailangan pang mg-mahal masaktan ka lng naman, bakit kailangan pang mgseryoso iiwanan ka lng naman.



Sana laro na lng ang lahat ng sa ganun di mo kailangan ang umiiyak kung ikaw ay matalo. Pero sana sa mga lalaking ngmamahal din sana kung di ninyo man lang kayang panindigan wag na lng, kasi Mahirap umasa sa wala Mahirap huminga kapag nasasaktan… Oo ngmamahal din kayo tulad namin ayaw rin niyong masaktan.. Pero sana sa una pa lng kung di man lng ninyo kayang mg stay ng matagal wag na lang. Wag kayong mgparamdam kasi tao lng po kami, babae lng kami madaling mauto, madaling mapaniwala madaling magmahal.. sana bago kayo papasok sa isang relasyon sana tinanungin ninyo muna sarili ninyo kung handa na ba kayo makipag relasyon ng sa ganun walang my iiyak..


Sana bago kayo magdesisyon sana iniisip din ninyo ang maging resulta kung iiwanan ninyo kaming mga babae,, oo minsan kasalanan din namin kung bakit kasi kami naniwala na my prince charming c cendirila na kung sakaling mawala nag sapatos namin my prinsipe na mgdadala para ito mabuo..

Napakasakit ang maiwanan at mabigo sa taong pinagkatiwalaan mo ng tapat, binigay mo ang lahat pati buhay mo kasi akala mo kapag ibigay mo ang lahat di ka iiwan yon pala akala mo lng yon.. hay naku hirap pala maniwala sa akala, daming nasaktan, daming nabigo at ang maalala daming nabaliw sa maling akala

Nature na ba talga ng lalaki ang sinungaling? Ang maglaro?

Nasasaktan ba tayo dahil maling tao ang minahal natin, tama man pero bawal, pwede man pero maymasasaktan. Ang hirap na ganitong sitwasyon maraming oras at araw ang nasasayang.. Ganito na lng ba ang papel nating mga babae, taga pag-antay, mag aanatay kung kailan balikan, pansinin, mahalin at pakasalan, di ba pwedeng tayo ang manligaw, mag-proposed? Sana uso ang makapal ang mukha ano, para my karapatan din tayong manligaw.
Bakit kailangan pa nating mg-stay sa isang relasyon at alam nating one day ay mawawala din. Dahil ba sa di nating kayang mabuhay na wala sila or dahil ba sa pride natin, na matapos mong ibigay ang lahat iiwanan ka lng.. or masakit lng tanggapin na minsan naloko tayo at nabulag sa kasinungalingan kaya kahit alam mong di na dapat patuloy ka pa rin sa pagbakasakali sa wala naman..
Tama nga sabi nila mahirap manghula ng nararamdaman ng isang tao. Kung ikaw ba ang laman ng puso niya, kung hanggan kailan xa sa buhay mo kung my halaga kapa ba sa kanya. Ito kasi ang Mahirap eh wala tayong karapatan para mgtanong, my karapatan man pero wala tayong lakas ng loob para mgtanong kung tayo ba nag laman ng puso nila, kasi minsan naunahan tayo ng takot, pangamba na baka hindi tayo ang laman ng puso nila, masakit isampal sa atin ang katotohanan.
Pero bakit pa tayo mg stay sa ganitong sitwasyon? Na puro sakit lng naman ang mapapala natin. Wala na ba talga tayong karapatan para lumigaya? Maraming tanong na di natin alam kung kailan magkaroon ng kasagutan. Hanggang kailan tayo mag-aantay? Ang inaanatay ba natin ang darating ba? Babalik pa ba sa atin ang oras na minsan ay masaya tayo dahil kasama natin cla?
Ano ba dapat nating gawin, ang magparaya or ang magpalaya. Kailangan ba nating hawakan ang isang tao na hindi na masaya sa atin? Selfish man pero sa mga bigo na tulad ko, tulad mo, OO, pero think a million times din. Itanong sa sarili mo. Hanggang kailan ko kaya mahawakan ang taong ito? Kasi darating ang araw hahanap di yan ng paraan para makawala, isipin natin tao yan, hindi hayop, hayop nga nakakawala pa sa kwadra, tao pa kaya, kung hindi man masaya ka ba na kapiling mo xa, hawak mo xa, pero pintig ng puso niya ay iba? Pero kung kaya mo mag paka martir habang buhay, why not.. pero di ka rin liligaya mark my word.

Mananatili tayo sa isang relasyon kahit alam nating wala na kasiguraduhan kasi nga pagdating sa pag-ibig kahit ano kayang gawin.. Pero hanggang kailan tayo ganito? Kuntento na lng ba tayo sa option lng?


Why try to set that person free, free as a bird, let him find his happiness also..

No comments:

Post a Comment